(Eagle News) — Nakatakdang higpitan ang seguridad kay Incoming President Rodrigo Duterte.
Ito ay makaraang muntik nang matumba si Duterte kahapon matapos na dumugin ng mga taong nais na magpakuha ng picture dito.
Ayon kay Chief Inspector Milgrace Driz tagapagsalita ng PNP-Davao city kinakailangang ipatupad ang bagong protocol upang matiyak ang kaligtasan ng Incoming President..
Kabilang dito ang pagpapatupad ng masinsinang “Screening Process” sa mga nais na bumisita kay Duterte.
At paglilimita sa bilang ng mga nais makipagpulong kung saan tanging ang mga may beripikadong appointment lamang ang pahihintulutan.
Humihingi naman ng pang-unawa si Driz sa mga posibleng maapektuhan ng ipatutupad na bagong security protocol.