AKLAN— Mahigpit pa ring ipinatutupad ang seguridad sa pagpasok ng mga tao sa Boracay, kaugnay sa isinasagawang rehabilitasyon sa isla.
Ang mga pumapasok na tao ay kailangang magpakita ng ID o anomang pagkakakilanlan upang malaman ng mga opisyal na nagbabantay doon kung sila ay residente, empleyado, turista, o negosyante.
Kapansin-pansin rin ang katahimikan sa lugar dahil limitado lamang ang maaaring maglabas-pasok sa nasabing isla dahil sa isinasagawang pagsasaayos rito. (Jane Malicse, Eagle News Service)