Seguridad sa pagbobotohan ni Pangulong Duterte, kasado na

(Eagle News) — Mahigpit na seguridad ang ipinatutupad sa loob at labas ng Daniel R. Aguinaldo High School sa Matina, Davao City kung saan boboto ngayong araw si Pangulong Rodrigo Duterte.

Ito ang tiniyak ng principal ng eskuwelahan na si Arlene Pernes, dahil sa inaasahang pagdagsa ng mga tao upang masilayan si Pangulong Duterte.

Ayon kay Pernes, nakahanda na ang crowd control sa oras na dumating na ang Pangulo para bumoto.

Inilabas na rin ang wooden armchair na ginamit ng Pangulo nang siya ay bumoto noong 2016 elections.

Sa ngayon ay wala pang impormasyon ukol sa oras ng magiging pagboto ng Pangulo.

Related Post

This website uses cookies.