Seguridad sa Palawan lalong pinaigting ng PNP

Mga tanod at opisyal ng barangay na dumalo sa seminar na pinangunahan ng Puerto Princesa-PNP.

Palawan Province (Eagle News) – Lalong pinaigting ng Philippine National Police (PNP) ang seguridad sa lalawigan ng Palawan dahil sa banta ng terorismo.

Ito ay kasunod na rin ng abiso ng Estados Unidos at Canada.

Kaagad na nagsagawa ang kapulisan ng mga seminar sa bawat barangay sa Puerto Princesa upang imulat ang mga tao na maging alerto at maging mapagbantay sa anumang kahina-hinalang pagkilos.

Ayon kay  Inspector Manyll Lamban-Marzo ng Puerto Princesa City Police Office, isinasagawa nila ang ganitong aktibidad upang bigyan ng kaalaman ang mga residente, lalo na ang mga opisyal ng barangay, kung ano ang kanilang gagawin sakaling may mamataang mga kahinahinalang mga tao sa kanilang lugar.

Ayon pa kay Marzo, pinaigting nila ang ganitong aktibidad upang patunayan na ang Palawan ay ligtas pa rin para sa mga turista.

Samantala, ikinatuwa naman ng mga taga Brgy. Maoyon ang mabilis na pagkilos ng kapulisan.
(Eagle News Service, Palawan Province Correspondent Rox Montallana)

 

Related Post

This website uses cookies.