Selda ni Matobato sa Davao, handa na

MANILA, Philippines (Eagle News) — Handa na ang selda kung saan pansamantalang ilalagay ang self-confessed hitman na si Edgar Matobato na ngayon ay nasa kustodiya na ng Philippine National Police (PNP).

Ito ang pahayag ni Senior Inspector Catherine Dela Rey, tagapagsalita ng Davao City Police Office (DCPO).

Posibleng ikulong si Matobato sa Sasa Police Station pagdating nito sa lungsod ng Davao.

Nilinaw din ni Dela Rey na patas ang pagtrato kay Matobato at gagawin lang umano ng mga pulis ang kanilang tungkulin lalo na kung manlaban ang suspek sa kanila.

 

Related Post

This website uses cookies.