Selebrasyon ng Month of the Ocean 2017 isinagawa sa General Santos City

860331d9-3693-49f2-ae23-adf023319c19

GENERAL SANTOS CITY, South Cotabato (Eagle News) – Isinagawa ang selebrasyon ng Month of the Ocean (MOO) sa isang mall General Santos City kamakailan. Isinasagawa ito taun-taon tuwing buwan ng Mayo ayon na rin sa Presidential Proclamation No. 57 na inilabas noong 1999.

Ito ay pinangunahan ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) at Department of Agriculture (DA) sa pamamagitan ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR). Sa taong ito ay ika-18 taong selebrasyon ng MOO na may temang “Tayo at ang Karagatan”. Layunin nito na maiparating sa mga tao ang iba’t ibang paraan o solusyon upang maging malinis ang ating mga karagatan.

Nette Cruz – EBC Correspondent, Gen. Santos City, South Cotabato