“Selective Presscon”

2016-01-25_1124

By Nelson Lubao

 

“They have to answer some tough questions, not just the easy ones” – Thom Jensen, ABC10 Reporter.

While a private group or individual has the right to refuse an interview with the members of the media, I strongly condemn those who discriminate reporters or journalists based on the news organization they represent, and specifically banning them from attending press conference which is otherwise open to other reporters.

Such is what happens in a so-called “selective press conference.”

First, what is a selective press conference?

From my experience as a media practioner, “selective press conferences” are conducted in order to control the flow of information, where only “friendly” media organizations are welcome so that they can avoid answering questions that may expose their real agenda.

Ika nga sa Tagalog, ang “Selective Presscon” ay isang press conference na isinasagawa ng isang tao, grupo, o organisasyon kung may nais silang ipahayag sa publiko sa pamamagitan ng mass media. Ginagawa ito upang makarating sa mas maraming tao ang anomang mensaheng nais iparating ng kung sinomang nagpatawag ng presscon. Dahil dito, natural lamang na mas gusto ng nagpapa-presscon na maraming miyembro ng media ang makakapunta sa press conference at kung maaari nga ay lahat ng mamamahayag sa lahat ng diyaryo, himpilan ng radyo at telebisyon ay naroroon upang mas marami ang makarinig ng mensahe.

Taliwas dito ang nangyari noong Biyernes, Enero 15, 2016 nang humarap sa isang press conference si Lottie Hemedez, ang isa sa mga dating miyembro ng INC na itiniwalag dahil sa paglabag sa doktrina at mga tuntuning ipinatutupad sa lahat ng mga miyembro ng Iglesia. Sa nasabing press conference ay hinarang at hindi pinapasok ang reporter ng Net25.

Hindi ito ang unang pagkakataon na hinarang at pinagbawalang dumalo ang Net25 sa presscon ng grupo ni Hemedez. Noong unang humarap sa media si Isaias Samson Jr, nagpatawag rin sila ng press conference subalit hinarang at pinagbawalan ring dumalo ang reporter ng Net25. Sabihin na nating nasa kamay ng nagpatawag ng presscon kung sino lamang ang gusto niyang padaluhin dito, subalit mahalaga rin na maunawaan ng publiko kung bakit nila ito ginagawa.

Sa aking karanasan bilang reporter sa nakalipas na mahigit 20 taon, ang pagpili ng reporter na dadalo sa isang press conference ay ginagawa upang makontrol ang lalabas na balita. Gusto nilang matiyak na walang makapagtatanong na reporter na maglalagay sa kanila sa alanganing sitwasyon sakaling sagutin nila ang tanong. Ginagawa nila ito dahil may itinatago silang impormasyon na iniiwasan nilang sila mismo ang maglantad sa publiko.

Sa kaso nina Samson at Hemedez, ayaw nilang matanong sila ng Net25 reporter ng mga katanunang hindi kayang itanong ng mga reporter ng ABS-CBN, Rappler, o Inquirer. Hindi dahil sa mas magagaling magtanong ang mga reporter ng Net25, kundi dahil sa sila ay miyembro rin ng INC kung kayat mas malalim ang kanilang kaalaman at kamalayan sa mga isyung nasa likod ng pagtalikod nina Samson at Hemedez sa Iglesia.

Sa madaling salita, hindi kayang paikutin nina Samson at Hemedez ang reporter ng Net25 kung ang pag-uusapan ay ang doktrina at mga tuntuning kanilang nilabag na naging dahilan ng kanilang pagkakatiwalag. Higit sa alinmang media entity, mas alam ng mga reporter ng Net25 ang buong katotohanan sa likod ng nasabing isyu at ito ang pilit na iniiwasan ng grupo ni Hemedez.

Naalala ko tuloy ang sinabi ng isang sikat na reporter sa Amerika, si Thom Jensen.

“They have to answer some tough questions, not just the easy ones.”