OLONGAPO CITY, Zambales (Eagle News) – Nagsagawa ng seminar ang Philippine Red Cross sa pakikipagtulungan ng Kagawaran ng Edukasyon noong Lunes, February 20. Dinaluhan ito ng mga supervisor, superintendent at mga principal ng iba’t ibang pribado at pampublikong paaralan ng Olongapo City. Pinangunahan ito ni Senator Richard Gordon, chairman ng organisasyon. Isinagawa nila ito sa Red Cross Conference Hall ng lungsod.
Inilahad ni Sen. Gordon ang mga naging proyekto ng Philippine Red Cross sa kaniyang pangunguna. Ayon sa Senador, hindi lamang aniya ang pagdo-donate ng dugo ang kanilang pangunahing proyekto. Nagpapatayo rin aniya sila ng pabahay, tulay at paaralan sa iba’t ibang panig ng bansa kung saan maraming Pilipino ang nakikinabang. Dagdag pa niya ay mayroon din silang makabagong kagamitan sa pagsagip ng buhay sa oras ng kalamidad.
Inakit din ng Senador na hikayatin ang mga kabataan tungo sa kanilang mahalagang gampanin na manguna sa pagkakawang-gawa at pagtulong sa kapuwa upang maging isang mabuting mga kabataang Pilipino sa hinaharap.
Bryan Pelaez at Anne Rivera – EBC Correspondent, Zambales