(Eagle News) — Hinimok ni Senator Sonny Angara ang gobyerno na bigyan rin ng ayuda ang mahigit apat na milyong out-of-school youth sa buong bansa.
Sinabi ni Angara, na nakakalungkot na milyun-milyon pa rin ang hindi nabibigyan ng pagkakataong makapag-aral.
“While it’s back to school for 28 million students, there are still some 3.8 million out-of-school children and youth out there who need government’s assistance so they can have access to quality education.
Nakalulungkot na milyun-milyon pa rin ang hindi nabibigyan ng pagkakataong makapag-aral na siyang susi para sa magandang kinabukasan ng kanilang pamilya,” pahayag ni Angara.
Iginiit pa ni Angara na mahalaga ang edukasyon dahil ito ang susi para sa magandang kinabukasan ng kanilang pamilya at mabawasan ang kahirapan.
“Laging ipinagmamalaki sa akin ng aking ama na simula elementarya hanggang graduate school ay wala ni isang sentimo siyang binayaran. Ito ang layunin niya–ang magpasa ng mga batas na magbibigay sa bawat Pilipino ng oportunidad makakuha ng libre at dekalidad na edukasyon–na atin namang ipagpapatuloy,” ani Angara.
“Three decades after the Free High School Law, we have high hopes that we can replicate its benefits to help our youth finish college. Dapat ay siguruhin natin na 10 out of 10 na ang makapagtatapos simula elementarya hanggang kolehiyo,” ayon pa sa Senador.
Sa datos aniya ng Philippine Statistic Authority, 87 percent sa mahigit 4 na milyong may edad na 16 hanggang 24 o mula High School hanggang kolehiyo.
Isinusulong ni Angara ang pagpapatibay ng Senate Bill 1732 o ang Inclusive Education for Children and Youth na layong palawakin ang access sa free quality education.
“Ang pagbibigay ng libreng dekalidad na edukasyon ang pinakamalaking tulong na maibibigay natin sa bawat pamilyang Pilipino upang maiahon nila ang kanilang sarili mula sa kahirapan. Hindi na dapat maging hadlang ang malaking gastusin para sila ay makapagtapos sa pag-aaral,” dagdag pahayag nito.
“All children with special needs should have the opportunity to learn and be developed in the most enhancing environment. It is our duty to provide them free, appropriate, and quality education that best meets their needs,” ayon pa kay Angara.
https://youtu.be/z72Ni4R1csw