Sen. De Lima binuweltahan si House Speaker Alvarez

MANILA, Philippines (Eagle News) — Binuweltahan ni Senador Leila De Lima si House Speaker Pantaleon Alvarez makaraang tawagin siya nitong “serial liar”.

Ayon kay De Lima, malinaw na hinusgahan agad siya ni Alvarez at pinakita nito kung gaano kakitid ang pag-iisip nito.

Sa simula pa lang aniya, isa na si Alvarez sa mga nagsisikap  na idiin siya sa mga kasinungalingan at bintang laban sa kanya.

Matatandaang si Speaker Alvarez ang nanguna at pumayag sa pagpapalabas sana ng diumanoy sex video ni De Lima sa imbestigasyon  ng Kamara.