Sen. De Lima, nahaharap sa panibagong kaso ng drug trafficking

MANILA, Philippines (Eagle News) — Nahaharap sa panibagong drug trafficking case si Senadora Leila De Lima sa Department Of Justice.

Sina dating NBI Deputy Directors Reynaldo Esmeralda at Ruel Lasala ang naghain laban kay De Lima ng reklamong paglabag sa Section 5 ng Dangerous Drugs Act of 2002 o ang ukol sa illegal drug trading trafficking at conspiracy sa pagsasagawa nito.

Bukod kay De Lima, sinampahan din ng kaparehong reklamo nina Esmeralda at Lasala si NBI Deputy Director at dating Bureau Of Corrections O-I-C Rafael Ragos.

Pinagbatayan ng reklamo ng dalawa ang mga testimonya ng mga bilibid inmate sa pagdinig ng kamara sa kalakalan ng iligal na droga sa New Bilibid Prison.

 

Related Post

This website uses cookies.