By Meanne Corvera
Eagle News Service
MANILA, Philippines (Eagle News) — Hindi pa man naisasampa ang kaso sa korte kaugnay ng pagkakasangkot sa illegal drug trade. Nakahanda na si Senador Leila De Lima sa posibleng pag-aresto sa kanya.
Katunayan, naka-empake na raw ang kaniyang maleta na bibitbitin niya oras na maglabas ng arrest warrant ang Korte.
Kasama na aniya rito ang kaniyang mga personal na gamit at mga libro na maari niyang basahin habang sya ay nakakulong.
Samantala, nagpa-abot ng pagaalala ang Senadora nab aka mabiktima aniya siya ng extra judicial killing kapag siya ay naaresto.
Bagamat ayaw nyang mabigyan ng special o VIP treatment kung ipa-aaresto siya, sana raw ay ilagay siya sa kulungan kung saan magiging ligtas siya.
Ito’y dahil wala naman aniya siyang balak na mangibang bansa o tumakas.
Sa ilalim daw kasi ng Duterte Administration, maraming nangyayari sa mga selda kung saan napapatay ang kahit ang mga nakakulong.