Sen. De Lima sinampahan ng ethics complaint sa Senate Ethics Committee

MANILA, Philippines (Eagle News) – Sinampahan ng Ethics Complaint sa mataas na kapulungan si Senador Leila De Lima kaugnay sa mga alegasyon na ipinupukol sa kaniya ni Pangulong Rodrigo Duterte. Ang nasabing reklamo ay inihain ni Atty. Abelardo De Jesus sa Senate Ethics Committee.

Ayon kay De Jesus, wala siyang personal knowledge kaugnay sa sinasabing pagkakasangkot ni De Lima sa operasyon ng iligal na droga. Ibinase aniya ang kaniyang ethics complaint sa mga pahayag ni Pangulong Duterte.

Sinabi pa ni De Jesus na ang Ethics Committee ang proper Forum para maimbestigahan si De Lima at pagkakataon na aniya nito upang linisin ang kaniyang pangalan.

Courtesy: Jet Hilario

Related Post

This website uses cookies.