MANILA, Philippines (Eagle News) — Umaasa si Senadora Leila De Lima na papanigan ni Senate President Aquilino “Koko” Pimentel ang kaniyang mga kasamahan sa Senado.
“I humbly thank the IPU, particularly its Governing Council, not only for expressing their serious concern about my continued pre-trial detention but also for putting to task the Senate leadership to ensure that I can continue fulfilling my duty as sitting Senator of the Republic of the Philippines,” pahayag ng senadora.
Ito ay matapos sabihin ni Pimentel na hindi naiintindihan ng Inter-Parliamentary Union (IPU) ang Philippine Constitution sa pamamagitan ng pagrerekomenda na palayain si De Lima.
“If they insist that we observe their rules, then they are insulting us and not respecting our sovereignty to determine our own rules. Our basic rules can be found in our Constitution,” ayon kay Pimentel.
Aniya, dapat simulan ni Pimentel na magsalita sa ngalan ng senado at hindi lamang para kay Pangulong Rodrigo Duterte.
“The supporters of President Duterte, including Senator Koko Pimentel, should stop avoiding the issue about my continued unjust detention by invoking legalisms and technicalities in relation to the recommendation of the IPU,” she said.
Una rito, mariin nang iginiit na ng senador na hindi maaaring palayain si De Lima dahil sa kaniyang pagkakasangkot sa kalakaran ng iligal na droga sa New Bilibid Prison.
“Remember that she is facing drug charges. Keep the Senate out of the drug or corruption cases of its current or former members,” giit ng senador.
“Why does the IPU feel that they know Senator De Lima’s case better than our Supreme Court and other courts which have heard and studied her case(s) up to the minutest detail?” dagdag pahayag ni Pimentel.
Matatandaang naglabas ng resolusyon ang Inter-Parliamentary Union sa Geneva, Switzerland noong Marso 28 upang muling ipahayag ang pagkabahala sa patuloy na pagkakulong ni De Lima, mahigit isang taon matapos na ipresenta siya bilang isa sa nakinabang sa kalakalan ng iligal na droga.