Sen. Escudero, ‘di kumbinsido na walang alam si Robles sa suhulan

SOJ Aguirre, di pa lusot sa immigration bribery scandal – Sen. Escudero

MANILA, Philippines (Eagle News) — Hindi pa raw lusot sa pananagutan sa batas si Justice Secretary Vitaliano Aguirre sa 50 million bribery scandal sa Bureau of Immigration.

Ito’y kahit nagsalita na ang umano’y aide ng gambling tycoon na si Jack Lam na si Retired Superintendent Wally Sombero ang nagsabing walang kinalaman si Aguirre sa nangyaring suhulan.

Sa dalawang naunang testimonya ni Aguirre sa Senado, inamin nito na nakipagpulong siya kasama si dating Immigration Deputy Commissioner Al Argosino kina Jack Lam at Sombero noong Nobyembre para pag-usapan ang pagkakaresto sa mga Chinese workers sa Pampanga.

Ayon kay Senador Francis Escudero, kaduda-duda na si Argosino ang inutusan ni Aguirre na makipag-usap kay Jack Lam at hindi si Commissioner Jaime Morente.

Kwestyonable rin aniya kung bakit inutusan ni Aguirre si Sombero na makipag-usap kina Argosino at Michael Robles.

 

Sen. Escudero, ‘di kumbinsido na walang alam si Robles sa suhulan

Sa kabila naman ng paulit-ulit na pagtanggi ni Robles, hindi kumbisindo si Escudero na inosente ito sa naganap na suhulan.

 

Sen. Escudero sa mga opisyal: Sabihin ang nalalaman sa bribery scandal

Hamon nya ngayon sa mga opisyal, sabihin na ang lahat ng nalalaman at kung sino ang nag –utos sa kanila para tumanggap ng bribe money.

Naka-depende raw sa dalawa ang magiging liability ni Aguirre kung irerekomenda na patawan ito ng administrative o criminal sanctions

Sa ngayon, hihintayin aniya nila na magpakita sa imbestigasyon si Sombero para maisailalim sa cross examination at malaman kung gaano katotoo ang kaniyang mga sinasabi.

Related Post

This website uses cookies.