Sen. JV Ejercito, sinuspinde ng Sandiganbayan

Ipinag-utos ng sandiganbayan fifth division ang siyam na pung araw na suspensyon laban kay senator “JV” Ejercito.

Kasunod ito ng kinakaharap na kasong graft ng senador dahil sa umanoy maanomalyang pagbili nito ng mga armas noong sya pa ang alkalde ng San Juan City gamit ang calamity funds.

Sa kanilang mosyon ay ginamit na argumento ng prosekusyon ang nakasaad sa Section 13 ng Republic Act 3019 na ang mga public official na may kinakaharap na kasong graft ay dapat na masuspinde sa pwesto.

Si Ejercito ay nahaharap sa kasong graft dahil sa umano’y maanomalyang pagbili sa 2.1 milyong pisong halaga ng high-powered rifles gamit ang calamity funds noong sya pa ang alkalde ng sya ng San Juan City noong 2008.

Bukod sa kawalan ng sapat na bidding. Iginiit ng oposisyon ang nakasaad sa joint circular ng DILG at DBM na hindi kasama ang mga high powered firearms sa mga items na kailangan sa panahon ng kalamidad.

Si Ejercito ay nahaharap din sa kasong technical malversation dahil sa kaparehong dahilan sa sandiganbayan 4th division.

Samantala, hindi raw nagsisi si Ejercito sa ginawang pagbili ng mga nasabing armas.

Pero iginiit nito na ginawa lang nya ang mandato sa kanyang protektahan ang mga residente ng San Juan sa matinding banta ng mga kriminal.

Giit ni Ejercito. Mataas ang kaso ng krimen noon sa syudad lalo na ang mga akyat bahay kung saan marami ang napapatay at nabibiktima ng holdapan at nakawan.

Bahagi lang aniya ito ng suporta ng San Juan sa mga pulis na siyang nagpapatupad ng peace and order.

https://youtu.be/V7ltDxXbitM