Sen. Laila De Lima, sasailalim sa imbestigasyon dahil sa pagkakasangkot sa mga big time drug lord

Eagle News — Sasailalim ngayon sa isang masusing imbestigasyon si Senador Laila de Lima dahil sa pagkakasangkot umano nito sa mga big time drug lord sa Bilibid.

Sinabi ni Justice Secretary Vitaliano Aguirre sa isang media conference na paiimbestigahan ang lahat ng opisyal ng Department of Justice (DOJ) ng nagdaang Administrasyon na noon ay pinangunahan ni De Lima.

Ayon pa kay Aguirre, nagsagawa na ng imbestigasyon ang National Bureau of Investigation (NBI) sa mga DOJ Officials na nasangkot sa illegal drug trade partikular na sa dalawang opisyal na binansagang protektor ng mga drug lord sa loob ng New Bilibid Prison sa Muntinlupa.
Samantala sa isang Previlage Speech ni Sen. De Lima ay mariin nitong itinanggi ang akusasyon laban sa kaniya. Sinisiraan lang umano siya ng ilang opisyal ng gobyerno at ng mga media strategist sa pamamagitan ng pagpapakalat ng mga memes sa social media. Hindi aniya siya mananahimik kaugnay sa mga kasinungalingang ipinaparatang laban sa kaniya.

 

Courtesy: JET HILARIO

Related Post

This website uses cookies.