Sen. Pacquiao: Pangulong Duterte alam ang ginagawa para sa bayan

(Eagle News) – Ipinagtanggol ni Senador Emmanuel “Manny” Pacquiao si Pangulong Rodrigo Duterte hinggil sa pagdedeklara nito ng martial law sa Mindanao.

Ayon sa senador, dapat pa ipagpasalamat ng Pilipinas na mayroon itong matapang na Pangulo na kayang panindigan ang mga kinahaharap na problema ng bansa.

“We need to be grateful because we have a firm, strong president who is fighting these problems,” ayon kay Pacquiao.

Ayon pa sa Senador, batid niyang ayaw ng Pangulo na may inaabusong maliliit na tao lalo na ang mga mahihirap kaya hindi niya ito hahayaang gawin ng mga sundalo.

“I know the president: he hates abusing the little people, he really does not like it when the poor are abused,” dagdag pahayag ng senador kasabay ng pagdedeklarang suportado niya ang desisyon ng Pangulo.

Sinabi pa ni Pacquiao na suportado niya ang pagdedeklara ng martial law ng Pangulo at alam aniya nito ang kaniyang ginagawa para sa bayan.

“From my heart, I support the declaration of the president,” pahayag ni Pacquiao

“The President knows what he is doing. It is for the good of our country,” dagdag pa nito.