Sen. Poe, ikinatuwa ang tiwalang ibinigay sa kaniya ni Pangulong Duterte

MANILA, Philippines (Eagle News) — Ikinatuwa ni Senador Grace Poe ang tiwala sa kaniya ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Ito ay matapos na ipahayag ni Pangulong Duterte na maaari siyang maging Presidente ng bansa sa darating na mga panahon kapag pinayagan na ng konstitusyon ang foundlings o mga inabandona na tumakbo.

Dagdag pa ni Poe, malaking bagay, personal man o sa aspetong politikal,  ang pagtitiwala na ito sa kaniya ng Pangulo.

Gayunman, iginiit ng Senador na hindi sana gamiting dahilan ng Pangulo ang kaniyang pagiging foundling para sa pagsusulong ng Charter Change at nagdesisyon din ang Korte Suprema noon na nagsasabing may karapatan siyang kumandidato.

Ngunit ayon kay Poe, nananatiling si Pangulong Duterte ang pinili at inihalal ng publiko kaya dapat aniya nitong tapusin ang kaniyang anim na taong termino sa halip na magbitiw sa oras na maisagawa ang ChaCha.

Related Post

This website uses cookies.