MANILA, Philippines (Eagle News) – Agad na sisimulan ni Senador Panfilo ‘Ping’ Lacson, Senate Committee Chair on Public Order and Illegal Drugs sa susunod na linggo ang pagdinig sa tatlong panukalang batas na naglalayong mapahusay ang paglaban sa iligal na droga sa bansa.
Matapos ang Organizational Meeting ng nasabing komite, sinabi ni Lacson na agad silang magtrabaho ukol dito. Una aniyang isasalang sa Public Hearing ang Senate Bill Number Three na naglalayong lumikha ng Presidential Anti-Drug Authority. Pangalawa ang Senate Bill Number 21 na magpapahintulot sa wiretapping, surveillance, at recording ng mga pag-uusap ng mga pusher, manufacturer, importer, at mga financier ng iligal na droga.
Pag-uusapan din aniya ang iniakda mismo ni Lacson na Senate Bill Number 48 na magpapalawak sa listahan ng krimen upang mapabilang ang mga drug related offense. Ayon kay Lacson, posibleng sabay-sabay na tatalakayin ang tatlong panukala sa isang pagdinig.
Courtesy: Jet Hilario