Senador Sonny Angara, pinatitiyak sa mga paaralan na magkaroon ng program vs bullying

(Eagle News) — Nanawagan si Senador Sonny Angara sa Department of Education na tiyakin na may nakahandang programa ang mga paaralan ukol sa mga kaso ng bullying.

Paliwanag ng senador, isa sa uri ng karahasan sa mga bata ang bullying kaya marapat lamang na ito ay mapigilan.

Batay sa datos ng Department of Education, umaabos sa 19,672 kaso ng bullying sa pampubliko at pribadong elementarya at sekondaryang paaralan sa School Year 2016-2017.

Ibig sabihin, halos 100 kaso ang naitatala ng DepEd kada-araw.

https://youtu.be/_AZ27VZZKaI