Patuloy na tinututukan ng sambayanan ang isinagawang pagdinig ng senado at mababang kapulungan ng kongreso nitong linggo hingil sa engkwentro na ikinasawi ng 44 na PNP-SAF trooper noong Enero 25 sa Mamasapano Maguindanao. Sumalang sa imbestigasyon ang mga personalidad na may kinalaman sa nangyaring encounter.
Layon nito na lumabas ang katotohanan, mabigyan ng hustisya ang mga biktima at mapanagot ang dapat managot. Subalit tila may pinagtatakpan ang ilang heneral na may kinalaman sa mapait na insidente. Sa ngayon ay patuloy pa ang isinasagawang imbestigasyon ng Board of Inquiry na binuo ng pamahalaan.
Subalit ang tanong ng marami, mayroon nga bang patutunguhan ang nasabing mga imbestigasyon? Hindi rin kaya hadlang ang nasabing insidente sa isinusulong na usapang pangkapayapaan sa pagitan ng ng gobyero at MILF. Kasama natin sa ating talakayan si Senador JV Ejercito gayundin ang political analyst na si Prof. Mon Casiple.