Senator De Lima, nahaharap sa panibagong reklamo sa isyu ng droga

MANILA, Philippines (Eagle News) — Nahaharap sa panibagong reklamo ukol sa iligal na droga si Senadora Leila De Lima sa Department of Justice (DOJ) dahil sa pagkakasangkot nito sa operasyon ng sindikato ni Kerwin Espinosa sa Eastern Visayas.

Kinumpirma ni Justice Secretary Vitaliano Aguirre na naihain na ng NBI sa DOJ ang ikalimang reklamo laban kay De Lima.

Kasama sa sinampahan ng kaso ng NBI ang dati driver-lover-bodyguard ni De Lima na si Ronnie Dayan at mismong si Espinosa.

Reklamong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act at paglabag sa anti-graft and corrupt practices act ang inihain laban kay De Lima.

Ang kaso ay nag-ugat sa testimonya ni Espinosa na nagbigay siya ng 8 million pesos para sa kampanya ni de lima na inabot niya kay dayan sa ilang pagkakataon mula 2015 hanggang 2016.

Samantala, itinakda na ng DOJ ngayong araw (Enero 6) ang preliminary investigation sa ikalimang reklamo laban sa Senadora.

Ang unang apat na drug complaint kay De Lima at iba pang respondents ay una nang natapos dinggin ng DOJ panel at hinihintay na lang ang mismong resolusyon.

Related Post

This website uses cookies.