Senior Citizens Appreciation Day sa Gen. Nakar, Quezon pinangunahan ng INC

GEN. NAKAR, Quezon (Eagle News) – Pagmamahal sa mga nakatatanda at pagtanaw ng utang naloob ang damdaming nag-uudyok sa mga miyembro ng Iglesia Ni Cristo sa pagsagawa ng “Senior Citizens Appreciation Day” kamakailan. Isinagawa nila ito sa Bayan ng Gen. Nakar, Quezon sa pangunguna  ni Bro. Isaias Hipolito ang District Supervising Minister ng Quezon North.

Sa nasabing aktibidad ay makikita ang kasiyahan ng mga senior citizen. Tuwang tuwa sila sa mga programa na inihandog sa kanila, tulad ng;

  • Libreng gupit ng buhok
  • Libreng linis ng mga kuko sa kamay at paa
  • Libreng pag alam ng kanilang blood pressure
  • Libreng masahe
  • Pagkain
  • Mga kagamitan na magagamit sa araw-araw

Bukod sa mga nabanggit ay ipinaala-ala rin sa kanila ang mga pribilehiyong dapat na natatanggap nila bilang mga senior citizen.

Ang aktibidad ay magkatuwang na inorganisa ng mga asawa ng mga ministro ng Quezon North at mga miyembro na laging handang tumulong sa kapuwa. Labis naman ang katuwaan ng mga lolo at lola na halos maluha na sa kasiyahan. Nagpapasalamat sila kay Bro. Eduardo V. Manalo, INC Executive Minister dahil sa pagpapahintulot ng ganitong mga programa. Damang-dama aniya nila ang pagmamahal ng Iglesia ni Cristo sa kanila.

William Inte – EBC Correspondent, Quezon

Related Post

This website uses cookies.