Senior Citizens, nakatanggap ng social pensions

AGOSTO 18 (Agila Probinsya) — Nakatanggap ang isang daan at animnapu’t limang senior citizens ng Mabalacat City ng social pensions o cash benefits mula sa Department of Social Welfare and Development (DSWD).

Bawat isang senior citizen ay nakatanggap ng 3, 000 piso. Ang halagang ito ay kabuuan ng tiglilimang daang piso kada buwan na dapat natanggap nila mula enero hanggang mayo ng taong ito.

Nakasaad sa Republic Act 9257 ang mga ibang benipisyo at prebilehiyo ng mga senior citizens. Ang 20 % discounts na nakukuha nila sa pagbili ng gamot ay malaking tulong sa kanilang mga gastusin, sabi ng ibang senior citizens.

(Agila Probinsya COrrespondents Jo Ann David, Ener Ocampo)

Related Post

This website uses cookies.