APRIL 28 — Sa pangunguna nina Governor Ramil Hernandez at Vice-governor Karan Agapay ay muling isinagawa ang ika-labing isang Serbisyo Tama Caravan sa lalawigan ng Laguna.
Layunin ng programang ito na mailapit sa mga mamamayan ang tulong ng gobyerno kagaya na lamang ng medical at dental service, libreng salamin, libreng gupit at masahe, legal assistance at feeding program.
Humigit kumulang sa anim na libong tao ang nabigyan ng iba’t-ibang medical na serbisyo. Nagkaroon din ng seminar ukol sa livelihood program at ganoon na rin ang job fair para naman sa mga naghahanap ng trabaho.
(Agila Probinsya Correspondent Ronaldo Duran, Jon Galang, Eagle News Service MRFaith Bonalos)