CORTES, Surigao del Sur (Eagle News) – Inako na ng New People’s Army (NPA) ang serye ng mga pag-atake sa Caraga Region bilang protesta sa posibleng pagpapalawig ng martial law sa Mindanao.
Ayon sa tagapagsalita ng NPA Regional Operational Command na si Ariel Montero, kabilang sa kanilang mga operasyon ang pag-disarma kay Vice Mayor Emmanuel Suarez ng Cortes, Surigao del Sur, noong martes ng umaga (July 18).
Sila rin umano ang nagpasimuno ng pag-atake sa plantasyon ng DOLE-Stanfilco sa bayan ng Tago, kung saan nasa anim na ektaryang sagingan at mini-truck ang kanilang winasak at sinunog.
Kinundena naman ng Surigao del Sur Provincial Police ang mga pag-atake ng rebeldeng grupo at nanawagan sa mga residente na huwag matakot magsumbong sa mga awtoridad.