(Eagle News) — Nagbabala sa publiko ang Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) sa shellfish ban sa walong probinsya sa Visayas.
Ito ay matapos mag-positibo sa red tide toxin ang mga baybayin ng Milagros, Masbate.
Habang nagpositibo naman sa paralytic shellfish poison ang Irong-Irong; Maqueda Bay; Villareal Bay; Daram Island sa Western Samar; Matarinao Bay sa Eastern Samar; Carigara Bay sa Leyte; Balite Bay sa Davao Oriental; Mati, Davao Oriental; Tambobo Bay, Negros Oriental; Siaton, Negros Oriental; Inner Malampaya Sound sa Palawan; Taytay, Palawan; Puerto Princesa Bay, Puerto Princesa City Palawan; Gigantes Islands, Iloilo; Carles, Iloilo; at baybayin ng Mandaon, Masbate.
Kabilang sa mga pinagbabawal kainin at kunin ang lahat ng klase ng shellfish at alamang.
Habang ligtas namang kainin ang mga isda, pusit, alimango, at hipon basta’t hinugasan at nilutong mabuti.