NAVAL, Biliran (Eagle News) – Nagpatupad na ng shellfish ban ang Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) sa mga baybayin ng Biliran dahil sa red tide toxins na nakita sa tubig at shellfish.
Bukod sa Biliran, ipinatutupad din ang shellfish ban sa Carigara Bay, mga baybayin ng Leyte at Irong-irong Bay sa Samar.
Nagsimula ang red tide phenomenon sa Eastern Visayas noong July, 2017, at unti-unti itong lumaganap sa mga kalapit na baybayin.
Ang walong bayan ng Biliran ay umaasa sa pangingisda at pangongolekta ng shellfish bilang kanilang pangunahing hanap-buhay.
https://www.youtube.com/watch?v=R3Zs4RRxFps&feature=youtu.be