Si Bautista, hindi ang COMELEC ang dapat singilin sa naunsyaming mall voting — Guanzon

Si COMELEC Chairman Andres Bautista ang dapat na magbayad para sa naunsyaming mall voting dahil siya lamang ang lumagda sa Memorandum of Agreement ukol sa pagboto sa mall, ito ang inihayag ni COMELEC Commissioner Rowena Guanzon. Ito ay sa kadahilanang may lumabas na report na naniningil ang Robinsons Land Corporation ng may isang milyong piso sa naging gastos nito sa pagboto sa mga mall.