(Eagle News) — Summer season na!
Kaya naman pag ganitong panahon, marami sa ating mga kababayan ang nag-a-outing sa beach man o sa swimming pool.
Dahil dito, marami din ang nakakaranas ng sunburn.
Ayon sa mga eksperto, ang sunburn ay mapula, mahapdi, mainit at makati na pakiramdam sa balat– makaraan na magbabad ng ilang oras sa sikat ng araw.
Ayon sa mga eksperto, hindi dapat binabalewala kung nakaranas ng sunburn, kaya narito ang ilang simpleng tips upang maibsan ang hapdi at kirot na dulot nito.
Mag-apply ng cold compress na makatutulong upang mabawasan ang pamamaga at kirot ng paltos na dulot ng sunburn sa balat.
Bukod dito, mainam din umano na ang Aloe Vera upang ma re-hydrate ang nasunog na bahagi ng balat, makatutulong ito upang mapabilis ang paggaling nito.
Mainam din umano ang suka dahil masisipsip nito ang init sa balat na dulot ng sunburn.
Ihalo lamang ang suka sa malamig na tubig, isawsaw dito ang isang malambot na tela o kaya naman ay bulak at saka marahang ipahid sa apektadong bahagi ng balat.
I-enjoy natin ang summer ng hindi mapipinsala ang ating kalusugan.Belle Surara