Simulation exercise kontra terrorist attacks, isinagawa sa Pagadian City

PAGADIAN CITY, Zamboanga del Sur (Eagle News) – Isang simulation exercise ang isinagawa sa Pagadian City kaugnay sa posibilidad ng pag-atake ng terorista.

Limang magkasunod na tunog ng sirena ang nagkunwang hudyat na mayroong mga teroristang umatake sa iba’t ibang bahagi ng siyudad.

Pagkatapos ng ilang minuto, agad dumating ang mga first responder mula sa Pagadian City Police Station.

Sumunod naman ang Zamboanga Del Sur Provincial Office Unit, at tropa ng militar para i-neutralize ang sitwasyon.

Mabilis namang pumuwesto ang mga ito sa lugar at mabilis na nai-lock down ang lahat ng exit at entry points sa syudad.

Sa isinagawang simulation, sumunod namang dumating sa lugar ang ang mga Bureau of Fire Protection personnel para apulahin ang mga nasusunog na gusali na gawa ng diumanong mga terorista.

Mabilis dumating ang rescue team  at medics sakay sa isang ambulansya upang i-retrieve ang mga kunwang sugatang biktima at mabigyan ng first aid ang mga ito.

Layunin ng naturang pagsasanay na malaman kung gaano kahanda ang mga kapulisan, kasundaluhan at  ng mga rescuer kung sakaling magkaroon ng terror attack sa siyudad.

Ito umano ang kauna-unahang anti-terrorism simulation exercise na ginawa sa Pagadian City kaugnay na rin sa pagpapalakas ng kanilang kakayahan sa larangan ng kampanya kontra terorismo.

Ayaw umano ng Pagadian-LGU na mahalintulad sila sa sinapit ng Marawi City.

 

Ferdinand Libor – Eagle News Correspondent, Pagadian City

Related Post

This website uses cookies.