Sinasabing rent-sangla mastermind, muling naaresto ng PNP-HPG

 

(Eagle News) — Naaresto ng Philippine National Philippines-Highway Patrol Group (PNP-HPG) sa pangalawang pagkakataon ang itinuturong mastermind ng rent tangay at rent sangla scam na si Rafaela Anunciacion.

Inaresto sya sa bisa ng warrant of arrest sa kasong estafa na inalabas ng Valenzuela Regional Trial Court Branch 284.

Halos 100 kaso ng estafa ang isinampa ng mga complainant sa iba’t-ibang korte noong nakaraang taon laban kay Anunciacion at sa iba pang kasamahan nito

Marso 2 noong nakaraang taon nang unang maaresto si Anunciacion pero agad din syang nakapagpyansa pagkalipas ng apat na araw.

Bailable ang kasong estafa na isinampa sa kanila ng mga complainant

Noong nakaraang taon umabot sa 608 sasakyan na ipinasok sa rent tanggay ang narecover ng hpg.
540 dito ang naibalik na sa mga tunay na may ari habang 94 pa ang nasa impounding area ng HPG.

Pero mula lang noong enero hangang Agosto, 29 na sasakyan pa ang narecover ng HPG na patuloy iniimbestigahan kung konektado sa grupo ni Anunciacion.

May payo naman ang HPG sa mga nagpaparenta ng sasakyan.

Patuloy namang sumasailalim sa imbestigasyon si Anunciacion na iniharap na rin sa Valenzuela RTC para sa return warrant nito. Mar Gabriel

Related Post

This website uses cookies.