Singil sa kuryente, bababa ngayong buwan – Meralco

(Eagle News) — Asahan ang pagbaba ng singil sa kuryente sa buwan na ito.

Ayon kay Meralco spokesperson Joe Zaldarriaga, bumaba ng P0.16 per kilowatt hour (kWh) ang generation charge sa buwang ito na aniya ay pinakamababa kung ihahambing sa mga nagdaang buwan mula Oktubre 2014.

Dagdag pa ni Zaldarriaga, nasa P25 ang mababawas sa electricity bill ng mga consumer dahil sa naturang pagbaba ng generation charge.

Ngayong Hunyo, nasa P0.13 per kWh hanggang P8.32 per kWh ang ibaba sa babayaran ng mga komukonsumo ng 200 kWh kada buwan.

 

Related Post

This website uses cookies.