PASAY City, Philippines — Tataas ang singil sa kuryente ng Manila Electric Company o Meralco sa susunod na buwan. Ayon sa Meralco, ito ay bunsod ng tinatawag na ancillary charge.
Mahigit limang bilyong piso ang kokolektahin sa lahat ng mga consumer para ibayad sa mga back-up o reserbang planta.
Katumbas ito ng P6.50 na dagdag na sisingilin sa mga taga-Luzon sa loob ng anim na buwan at dalawang taon sa mga residente ng Visayas at Mindanao.
Samantala, humihirit naman ang National Power Corporation o NAPOCOR ng P12.48 kada kilowatt hour na sisingilin sa lahat ng consumer sa taong 2017.
Paliwanag ng NAPOCORr, ito ay bilang universal charge para sa mga liblib na isla na hindi konektado sa grid.