Singil sa kuryente ngayong Nobyembre, posible na namang tumaas

(Eagle News) — Posible na namang tumaas ang singil sa kuryente ng Meralco ngayong buwan makaraang bumagsak ang maraming power plant noong nakaraang buwan na nagpataas sa presyo ng kuryente sa spot market at dahil sa paghina ng palitan ng piso kontra dolyar.

Bagaman maaaring tumaas ang generation cost, inihayag ng Meralco na hindi naman gaanong malaki ang inaasahang dagdag-singil sa kuryente.

Sa Huwebes, November 9, kanilang i-aanunsiyo ang aktuwal na dagdag sa generation charge at iba pang charges para sa November bill.

Related Post

This website uses cookies.