Singil sa tubig at kuryente, tataas ngayong Abril

(Eagle News) — Mararamdaman din ngayong buwan ang dagdag singil sa tubig kasunod ng anunsyo ng Meralco ng dagdag singil sa kuryente.

Ito ay dahil sa Foreign Currency Differential Adjustment o FCDA kasunod ng bahagyang pagsadsad ng halaga ng piso.

Dagdag na eleven (P0.11) centavos kada cubic meter ang ipapatupad ng Manila Water Corporation habang five (P0.5) centavos naman sa Maynilad.

Ang FCDA ay tariff mechanism na ibibinigay sa utility companies para maka-agapay sa paggalaw ng piso laban sa iba pang currency.

Nag-anunsyo na rin ang MERALCO ng 22-centavos (P0.22) na dagdag singil sa kuryente ngayong Abril o katumbas ng P44 para sa mga kumukonsumo ng 200 kilowatts per hour.

Nasa  P66 naman ang dagdag singil sa mga kumokonsumo ng 300 kilowatts per hour;  P88 para sa mga kumokonsumo ng 400 kwh,  habang P110 naman para sa mga kumokonsumo ng 500 kilowatts per hour.