(Eagle News) — Inanunsyo na ng ilang mga kompanya ng langis ang bigtime oil price hike bukas, Marso 15.
Magtataas ang Shell, Sea Oil, Flying V at PTT ng P1.60 sa kada litro ng gasolina; P1.25 sa kada litro ng diesel; at P1.15 naman sa halaga ng kerosene.
Inaasahan ding susunod nang mag-aanunsyo ng taas-presyo ang iba pang mga kumpanya ng langis.
Samantala, maliban sa mga produktong petrolyo, magtataas din ng P0.12 per cubic meter sa singil ang Maynilad Water Services habang P0.26 naman per cubic meter ang sa Manila Water simula Abril 1 hanggang Hunyo 30, 2016.
Ito naman ay dahil sa pag-taas ng foreign currency differential adjustment (FCDA) sa ikalawang bahagi ng taon kasunod ng pagbaba ng halaga ng piso.
Mas mataas ng P0.05 per cubic meter ang adjustment ngayon kumpara sa FCDA ng unang bahagi ng kasalukuyang taon.