Ni Nora Dominguez
Eagle News Service
POZORRUBIO, Pangasinan (Eagle News) – Muling pinaupo ng Department of the Interior and Local Government (DILG) sa pwesto si Pozorrubio Mayor Artemio Chan nitong Lunes, ika-28 ng Mayo, matapos itong masibak noong August 2017.
Ito ay matapos paburan umano ng Ombudsman ang motion for reconsideration ni Chan kaugnay sa inilabas nitong kautusan na masibak ito dahil sa pagpirma sa isang marriage contract bagamat wala naman siya nang mangyari ang kasal.
Tauhan lamang umano ni Chan sa Mayor’s Office ang nag-asikaso ng papel ng dalawang pareha na nagreklamo laban sa kaniya.
Mula sa perpetual disqualification sa grave misconduct and serious dishonesty ay naibaba ang hatol kay Chan sa simple dishonesty.
Pinangunahan ng DILG ang muling pagpapaupo kay Chan.
Samantala, binantayan naman ng pwersa ng PNP ang ceremony dahil sa napipintong rally.
Napag-alaman na nakatakda sanang iisyu kay Chan sa mismong muling pag-upo nito bilang alkalde ang warrant of arrest laban sa kaniya kaugnay ng nasabing reklamo, ngunit nakapagpiyansa siya bago pa man ito maisilbi.