(Eagle News) — Naniniwala si GRP Peace Panel Chief at Labor Secretary Silvestre Bello na hindi maiiwasan na magduda ang publiko sa sinseridad ng CPP-NPA-NDF sa usaping pangkapayapaan.
Ito’y kasunod na naman ng ginawang pag-atake ng rebeldeng grupo sa isang police station sa Quirino at panununog sa pasilidad ng Lapanday Plantation sa Davao City.
Ayon kay Bello, dapat magpakita ng lubos na sinseridad ang rebeldeng grupo para makuha ang suporta ng sambayanan sa peace talk.
Kung hindi raw gagawin ito ng NPA, hindi malayong i-rekonsidera ng gobyerno ang posisyon nito at magbalik sa pakikipag-sagupaan.
Sa katapusan ng buwan, sisimulan na ang 5th round ng peace talks sa The Netherlands kung saan inaasahan na pag-uusapan ang ilang parameters sa pagpapatupad ng bilateral ceasefire.
Kabilang rin sa mga isyung reresolbahin ang usapin sa agrarian reform.
https://youtu.be/51azkVNoNqw