TUBOD, Surigao del Norte (Eagle News) — Siyam na barangay sa isang bayan sa Surigao Del Norte ang idineklarang drug-free ng Philippine Drug Enforcement Agency sa Caraga.
Personal na dinaluhan nina Ricardo C. Quinto, PDEA Deputy Director General for Operations ng Caraga, Mayor Richelle B. Romarate, at mga nasa Surigao Del Norte Police Provincial Office ang isinagawang deklarasyon na drug-cleared na ang Barangay Cawilan, Capayahan, San Pablo, Marga, San Isidro, Del Rosario, Motorpool, Timamana at Poblacion sa bayan ng Tubod.
Ayon kay Quinto, sa isinigawa nilang surveillance nakumpirma ang kawalan ng presensya ng drug pusher, drug den at drug manufacturing sa mga nasabing barangay.
Pagkatapos ng signing of drug cleared certificates at covenant signing ay nagkaroon din ng slogan poster-making contest at cheering competition para sa mga drug surrenderees at youth advocates. (Eagle News Correspondent Jabes Juanite)