Pinabilib ng siyam na taong gulang na Pinay ang mga judge sa America’s Got Talent kamakailan.
Natuwa ang mga judge ng programa, kabilang na si Simon Cowell, sa rendition ni Angelica Hale mula Atlanta, Georgia, ng “Girl on Fire” ni Alicia Keys.
Ayon sa guest judge na si Chris Hardwick, “Unbelievable” ang talento ng Filipino-American kaya ito ang kaniyang “Chosen One” at binigyan niya ito ng golden buzzer.
Si Hale ay maituturing na survivor dahil apat na taong gulang pa lang ito nang sumailalim sa kidney transplant at ang donor ay ang kaniyang ina na si Eva Bolando-Hale.
Pangarap umano ni Hale na maging susunod na Whitney Houston at Superstar.
Si Hale ang ika-anim na contestant ng America’s Got Talent na nakakuha ng golden buzzer.