PANUKULAN, Quezon (Eagle News) – Matagumpay na naisakatuparan sa taong ito ang skills training on fiber glass fabrication sa Panukulan, Quezon.
Ang proyektong ito ng Department of Social Welfare and Development ay para sa mga mangingisda na walang sariling bangka.
Priyoridad sa mga benepisyaryo ng proyektong ito ay ang mga kabilang sa 4Ps program na mula sa limang nasasakupang barangay ng Panukulan.
Sa ilalim ng training ay gumawa ang 80 participants ng tig-iisang bangka na yari sa fiber glass.
Sila rin ang magiging may-ari nito. Ito ay ipagkaloob ng DSWD sa Hunyo 23.
Ang bawat isang bangka ay may nakalaang pondo na nagkakahalaga ng Php 20,000 para sa materyales.
Kasama na ring matatanggap ng mga participant ang Mayor’s Permit upang legal na nila magamit ang bangka saan mang lugar sila pumunta upang mangisda.
Ang kabuuang pondo para sa programa ay umabot ng 1.6 million pesos.
Ayon kay Project Development Officer Elizabeth G. Nakar, unang batch pa lamang ito ng mga beneficiary sapagkat mayroon pang 160 na susunod na magsasagawa ng ganitong pagsasanay.
Ronald Pujeda – EBC Correspondent, Panukulan, Quezon