DIPOLOG CITY, Zamboanga del Norte (Eagle News) – Inilunsad ang isang Skills Training para sa mga kababayan nating drug surrenderees sa Dipolog City, Zamboanga del Norte. Sa isinagawang launching ay dumalo dito ang surrenderees na mula sa iba’t-ibang barangay. Kasama rin ang kanilang mga barangay official.
Layunin ng naturang skills training na maipagpatuloy ang recovery process ng mga surrenderee para matulungan ang mga partisipante na magbagong-buhay. Mabigyan din ang mga ito ng marangal na trabaho at matuto sa alternatibong pamamaraan ng paghahanap-buhay upang makapamuhay ng normal.
Ito ay sa pakikiisa ng Dipolog City Police Station sa pangunguna ni Police Superintendent Lito Laurio Andaya at sa pakikipagtulungan ng Technical Skills Development Authority, Department of Labor & Employment, Dipolog School of Fisheries, Livelihood Skills Development & Enhancement Center, Narcotics Anonymous, barangay officials at sa tulong ng Local Government Unit.
Samantala, inaanyayahan ni Mayor Darel Dexter Uy ang lahat ng surenderees na magbigay ng seryosong atensyon sa mga aktibidad, sa kanilang skills training upang matulungan ang sarili.
Lady Mae Reluya – EBC Correspondent, Zamboanga del Norte