SM Foundation magkakaloob ng pabahay para sa mga biktima ng bagyong Yolanda

Mahigit isang taon ang nakalipas ng nananalasa ang bagyong Yolanda sa Pilipinas at isa ang probinsya ng Iloilo sa bahaging norte ang sinalanta ng nasabing bagyo.

Maraming mga kababayan natin ang nawalan ng kabuhayan at tahanan bunga ng hagupit ng bagyong Yolanda.

Ngunit nabiyayaan ng pabahay ang bayan ng Concepcion sa lalawigan ng Iloilo na kasalukuyang ipinapatayo ng SM Foundation sa barangay Bakhawan Concepcion.

May lawak na isang hektarya at 200 units na semi duplex ang kasalukuyang sinisimulan ng ipatayo at 200 pamilya na naapektuhan ng bagyong yolanda ang mabiyayaan ng nasabing pabahay.

Ayon sa Chief Foreman na si Dennis Dominguez tinatayang sa buwan ng Hulyo matatapos ang proyekto at kaagad ipamamahagi ng SM Foundation sa 200 pamilyang kanilang napili na naapektuhan ng bagyong Yolanda para magkaroon na ng bagong tahanan.

(Agila Probinsya Correspondent Rammie Inventor, Eagle News Service MRFaith Bonalos)

Related Post

This website uses cookies.