Small scale mining sa bansa, tututukan din ng DENR

BAGUIO City, Philippines — Tiniyak ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) na hindi lamang ang mga malalaking mining companies ang kanilang tututukan.

Ito ang binigyang-diin ni Denr Assistant Secretary Atty. Juan Miguel Cuña sa ginanap na 1st Cordillera Summit 2016 sa lungsod ng Baguio.

Sinabi ni Cuña na isasailalim din sa audit ang mga small scale mining upang malaman ang compliance ng mga ito sa tamang paraan ng pagmimina.

Ayon sa Mines and Geosciences Bureau, mas delikado ang operasyon ng mga small scale miners kompara sa operasyon ng malalaking minahan dahil sa mga maliit na butas na kanilang hinuhukay.