(Eagle News) — Mahigit sa sampung hummer cars at luxury vans ang hindi sinira nang pangunahan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang destruction ng Php 296 million na halaga ng smuggled ng animnapu’t walong (68) luxury vehicles at walong motorsiklo sa port Irene Cagayan nitong Hulyo 30.
Ayon kay Pangulong Duterte, inatasan niya si Cagayan Economic Zone Authority (CEZA) Administrator Raul Lambino na i-reserve ang mga hummer vehicle para sa mga pulis at militar.
Sa kaniyang talumpati sa joint 68th National Security Council at 69th National Intelligence Coordinating Council Founding Anniversary ay nabanggit ng Pangulo na sinabi niyang huwag sirain ang mga ito dahil ipapagamit sa mga pulis at militar.
Ang mga luxury van naman aniya ay ibibigay sa lokal na pamahalaan sa Cagayan.
“Para naka-Hummer na kayo. Kami ilang taon na namin ‘yan naglalaway-laway kami… Tapos ‘yung mga vans, because they are within the vicinity of the local governments, Cagayan ‘yan eh. Eh ‘di paghati-hatian na lang nila doon kung aabot,” pahayag ng Pangulo.