(Eagle News) — Tinalakay sa isinasagawang dalawang araw na Asian Forum on Enterprise for Society ang ukol sa social innovation, governance at corporate responsibility sa ASEAN.
Sa opisyal na pagsisimula ng forum naging panauhing pandangal si Vice President Leni Robredo at dito tinalakay ng bise presidente ang ilang mga suliranin ng bansa lalo na sa usaping kahirapan.
Tinalakay rin ni Robredo ang ukol sa mga platform at teknolohiya na nagiging dahilan kadalasan anila ng mga pinagkukunan ng mga maling impormasyon o fake news.
Ayon kay Ramon Magsaysay Award Foundation Board of Trustees Senen Bacani, mahalaga ang isang sustainable future at hindi ito isang pangarap lamang.
Mahalaga rin anila na maingatan ang ating kapaligiran para sa darating na panahon.
May temang “The Future Re-Imagined” ang isinagawang forum na kung saan pag-uusapan ang ukol sa governance, health care, finance, education energy and social enterprises sa iba’t-ibang mga bansa kabilang na ang ASEAN.
Kabilang din sa mga paksa ay kung papaano mapapaunlad ang edukasyon sa iba’t ibang mga bansa lalo na ang mga lugar na malayo sa teknolohiya.
Dinaluhan ang nasabing forum ng mga delegado mula sa iba’t ibang mga bansa sa gayundin sa ASEAN region.