SOJ Aguirre, nakiramay sa pagpanaw ni dating Senador Miriam Santiago

Nagpaabot din ng pakiki-dalamhati si Justice Secretary Vitaliano Aguirre sa pamilya ng pumanaw na si dating Senadora Miriam Defensor-Santiago.
Sinabi ni Aguirre na ikinalulungkot niya na hindi sila nagka-ayos ni santiago matapos ang hindi nila pagkakaunawaan sa Corona impeachment trial noong 2012.
Si Aguirre ay kabilang sa prosekusyon sa impeachment proceedings ni dating Chief Justice Renato Corona.
Nagkairingan ang dalawa matapos makunan ng camera si Aguirre na tinatakpan ang dalawa nitong tainga habang nag-tatalumpati si Santiago.
Dahil dito, kinumpronta ni Santiago si Aguirre na umaming sinadya nyang takpan ang kanyang tainga dahil nasasaktan siya sa mga sermon ng senadora sa prosekusyon.
Ayon sa kalihim, marami ang dapat niyang ipagpasalamat sa senadora matapos ang nangyari sa impeachment trial.
Isang malaking kawalan ang mambabatas bilang isang matalino at walang kapagurang leader at lingkod bayan.

” I console most sincerely with the family of Sen. Miriam D. Santiago for her untimely demise. The country lost a great mind and an indefatigable leader and public servant.
We both have some faults that could easily be forgiven. My regret is that i had no opportunity to reconcile with her in connection with incident of February 29, 2012. I have much to thank her for what happened to my life after that unforgettable incident during the impeachment proceedings against Chief Justice Renato Corona.”

Message from
Sec. Vitaliano Aguirre II
DOJ