Manila, Philippines (Eagle News) — Wala raw katotohanan ang alegasyon ng Senate Blue Ribbon Committee na hindi niya pinapahalagahan ang kaso ng P6.4 billion na smuggled shabu shipment.
Ito ang reaksyon ni Aguirre sa draft report ng Blue Ribbon Committee na nagsabi na tila ipinaubaya lang niya sa kaniyang mga deputy ang kaso dahil siya ay abala sa maraming trabaho.
Ayon pa kay Aguirre, totoong abala siya sa maraming gampanin bilang kalihim ng Department of Justice ngunit hindi aniya ibig sabihin nito na hindi na niya prayoridad ang kaso.
Wala aniyang batayan ang paratang, katunayang nagpalabas na siya ng Immigration lookout bulletin laban sa ilang mga kinasuhan sa shabu shipment.
Sa kasalukuyan aniya ay iniimbestigahan na ng DOJ panel ang kaso na inihain ng Philippine Drug Enforcement Agency at National Bureau of Investigation laban sa mga sangkot sa kontrabando.
Sa darating na October 19 ay itutuloy ng DOJ ang preliminary investigation para sa pagsusumite ng kontra salaysay ng mga respondent, kabilang si dating Customs Commissioner Nicanor Faeldon.
https://youtu.be/74mbU5GEFFo